Nagkaroon ng MOA Signing sa pagitan ng Iloilo Science and Technology University at ANG Dios Gugma Catholic School, Inc. para sa proyektong ADGCSI: Kanlungan ng Pamilya sa Lipunan. Ito ay isang extension project ng BSEd Filipino sa pagpadayon ng ADGCSI bilang kanlungan ng pamilyang nangangailangan.

Ang nasabing pagtitipon ay ginanap sa ISAT U Board Room ngayong ika-23 ng Enero 2024. Kasama sa kaganapan ang Presidente ng Unibersidad na si Dr. Gabriel M. Salistre Jr.
